Personal

Encounters: Richard Bulaclac of Garden Taxi

Just copy-pasting what I wrote on Facebook yesterday. Hope you can spare a minute of your time to read this because I swear, it will spark some inspiration in you. πŸ™‚ Β 

Okay, break muna tayo sa stress kasi gusto ko lang talaga ishare yung experience ko kaninang umaga na dahilan kung bakit feeling ko kahit anong mangyari sa kin today, good mood ako all the way.Β πŸ™‚

Siguro nakita nyo na sya sa station ID ng abs nung pasko or sa mga news programs na nagfeature sa kanya pero iba pa din pala talaga pag nameet mo yung tao behind those feel good posts na nababasa mo lang sa FB.

——————-
This is Kuya Richard Bulaclac. Heh, kasing bulaclac ng last name nya yung taxi nya kasi hello friend, kamusta naman ang floral interior diba? Everyday Panagbenga festival lang ang peg.
Pagsakay ko from Market Market medyo di pa ko ready harapin ang working life (dahil napuyat at nastress sa election results kagabi), pero kung ganun ba naman ang makikita mo, di ba medyo nakakauplift naman ng spirits? Pagkasettle ko naalala ko na sya yung nabasa ko before na may GARDEN TAXI. Sa loob loob ko gusto ko magpick up ng conversation pero bilang mahiyain ako (promise!), kinailangan ko pa ang tulong ng pag-alok ng bubble gum para lang masimulan ko yung pakikipag usap. So from there, nalaman ko na yung kwento nya.
β€’ Taga Davao si Kuya Richard at 4 yrs na sya nagtatrabaho sa Manila as taxi driver para masuportahan ang pamilya nya na nasa probinsya.
β€’ Naisipan nyang idecorate yung taxi nya Dec 2014 para di sya mahomesick masyado. Kung bakit bulaklak yung decoration nya, nakalimutan ko itanong kasi nawili na ko kakadaldal.
β€’ Eto yung part na medyo faith in humanity restored ang drama ko in life — nagbibigay si kuya ng FREE RIDE tuwing first and last Monday of the month. Kahit sino, kahit san ang destination. Tapos may logbook sya ng mga ‘free’ riders nya. At mahigit isang taon nya na to ginagawa.
β€’ Para makabawi dun sa free rides na binibigay nya, nangongolekta sya ng recyclable materials like foil wrappers para gawing pouches na binebenta nya rin sa taxi. Pinapagawa nya yun sa isang livelihood group para makatulong din sa kanila.
β€’ Ilang beses narin syang nagbalik ng mga naiwang cellphones at laptop ng mga pasahero nya.
β€’ Once nagkaron sya ng pasahero na naaksidente na hinatid nya sa ospital at di na pinabayad.
β€’ Active din sya as street watch officer (under PNP initiative ata to), na nagrreport ng mga traffic-related accidents/incidents and tutulong pag kailangan – kaya sobrang interested nya nung nagpicture kami sa GoPro, sabi nya gusto nya pag-ipunan para ilalagay nya sa taxi nya para din daw makatulong sa pagsstreet watch nya.
β€’ At nagooffer din pala sya ng free candy (hanggang 2 lang!), tissue, alcohol, at wifi sa taxi nya. May waste box din tsaka salamin para sa on-the-go pagreretouch. Di din pala sya nangongontrata at namimili ng pasahero.

——————-
Basically, ganyan lang naman kabuting tao si kuya Richard. Knwento nya sa kin yung mga appearances nya from last year nung nagviral sya online at kung pano sya snurprise nung birthday nya ni Jericho Rosales. So dumating na kami sa destinasyon ko, bumili ako ng pouch sa kanya, nagpicture kami at nagpromise akong iccontact ko ulit sya para tulungan sya tungkol sa action cam/dashcam.
Yung mga ganitong experience magpapaalala sayo na kahit gano ka kairita sa life at kahit andaming masamang balita everyday, may mga taong katulad ni kuya Richard. He doesn’t have the luxury that most of us are enjoying (and yet nagrereklamo parin tayo minsan), pero kahit na ba ganun, di sya nagdadalawang isip na gumawa ng mabuti sa iba. Marangal at masikap syang nagttrabaho at sobra sobra pa. Isa syang paalala na may mabuti parin sa mundong to at siguro dapat maging mas mabuti din tayo sa kapwa natin. Kahit one act of kindness at a time.Β πŸ™‚

Daghan kaayong salamat nimo Kuya Richard! Maayo untag tagaan pa ka sa ginoo ug daghang blessings para sa imo ug sa imong pamilya! Ug makauli na ka puhon aron mabisita sila. Maayog di ka kapuyon sa pagbuhat ug maayo sa imong mga pasahero ug sa ubang tawo. Puhon magkita ta ug balik! Gusto nako matry imong taxi nga naghayag ang mga suga sa sulod! πŸ˜€ β€ͺ#β€Žgardentaxi‬ β€ͺ#β€Žflowertaxi‬

“A single act of kindness throws out roots in all directions, and the roots spring up and make new trees.” -Amelia Earhart

Original post can be found here

(Visited 126 times, 1 visits today)

You Might Also Like

%d bloggers like this: